Sulat para sa aking sarili

Dear self,

Oh, kamusta kana? Mabilis ka pa rin bang mafall? Hoy wag ganun! Alam mo naman kung saan ka nadinala ng ganun diba? Yung iiwan ka din naman pala, pinatagal pa. Yung hindi ka naman pala pipiliin, nilito ka pa. Yung sasama din naman pala sa iba,pinakitaan ka pa ng maganda.

Huwag ka nang umasa! Hindi ka na babalikan nun. Hindi ka nya pipiliin. Hindi ka na nga nya pinili diba? Bakit mo pa iisipin na babalik sya? Alam mo, hindi lahat ng gusto mo, hindi lahat ng mahal mo magsstay. Lalo na yung mga taong minahal naten pero hindi naman tayo minahal pabalik. Lalo na yung mga taong akala natin ay importante tayo sa kanila, pero hindi naman pala. Yung umasa tayo na meron,pero wala naman pala.

Oo, ayos lang naman kung iiyak ka. Ayos lang din naman kung malulungkot ka. Kasama sa buhayang maging malungkot pero huwag mong tambayan yan ah! Daanan lang! Aba, sayang ka naman kung magiging malungkot ka tapos sya eh masaya naman sa buhay nya, sa buhay na pinili nya na wala ka.

Kailangan pa ba nating balikan ang mga nakaraan? Ang mga maliligayang araw ng unang pagkakakilala, pagtatagpo at pagkikita? Ang mahabang usapan sa telepono? Ang masasayang mga araw na inuubos sa kakamaneho? Ayos lang yan. Balikan ang masasayang mga alaala. Pero bilang alaala na lamang.

Marami kang tinuro sa kanya at marami ka rin namang nalaman at natutunan dahil sa kanya. Hindi mo yun dapat kalimutan. Ngunit dapat mong ilagay sa iyong isipan na kung anong meron kayo dati ay wala na ngayon. Ikaw ay parte na lamang ng kanyang nakaraan at gayun ka din naman sa kanya. Maging masaya ka dahil masaya siya.

Oh, wag ka nang umiyak. Itigil mo na ang pagluha. Bumangon na sa pagluha. Ikaw. Ikaw lang ang sagot sa lahat ng gusto mong mangyari. Sa lahat ng bagay na gusto mong marating. Tandaan mo, nawala sya pero may darating na mas karapat dapat. May darating na tulad mo ang hanap.

Ngumiti ka,magsaya. Ipagpatuloy ang buhay na iyong pinanday. Gumawa ng mabuti. Gumawa ng kasiya siya. Palayain ang sarili sa lungkot at dusa.  

                                                                                                                                                ADRIEL R.  

Advertisements

Published by stylebyadriel

A Licenced Teacher trying lut to blog about food, fashion, books and travel.

One thought on “Sulat para sa aking sarili

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: